(Hango ito sa blog ni JB LAZARTE )
Para sa mga taong nakakarinig ng mga internet sideline gaya ng SWA, madali lang magduda at isipin kaagad ang risk na kaakibat ng ganitong online business. Kung sa bagay, lahat naman ng online negosyo ay may karagadagang risk.
Sa kasamaang palad, karamihan ng mga Pilipino ay tinatawag na "risk averse". Sa madaling sabi, takot tayo sa risk. Ayaw natin magtaya, at kapag risky ang isang bagay, hindi natin tinatangka ito.
Sinasabing 3 sa bawat 10 Pilipino lamang ang magtatangkang labanan ang risk. Kaya rin naman maraming Pilipino, kung iyong tatanungin, ang ok na sa pamumuhay ng simpleng emleyado - kayod-kalabaw, sweldo; kayod-kalabaw, sweldo.
Kapag pinag-usapan ang mga online negosyo gaya ng SWA, ang unang makikita ng mga Pilipino ay ang risk o kung ano ang mawawala sa kanila. Imbes na ang makita nila ang ginintuang oportunidad, ang makikita nila ay ang kasamaang palad.
Kapag sinabi kong oportunidad, ang ibig sabihin ko ay ang oportunidad gaya nito. Isang oportunidad na madali lang at maaaring gawin ng kahit sinumang may tiyaga, kahit pa man siya ay busy.
Para sa akin, bagamang mahalaga ang pag-iingat, hindi natin dapat hayaan ito na bulagin tayo sa ginintuang oportunidad kumita nang mas malaki. Halimbawa, sa SWA, ang $55 or PHP2500 na gagastusin ay one-time lamang. Bayad ito bilang kapital sa iyong online negosyo. Hindi ito bayad upang tagain ka o perahan ka lang. Kapital ito.
Kapital para saan?
Dahil ito ay isang online negosyo, syempre umiikot ito sa konsepto ng buy and sell. Ayang kapital na iyan ang gagastusin mo para mabili ang mga produktong ibebenta mo.
Ano itong mga produkto?
Ito ang Supreme Wealth Library. Isa siyang library ng mga ebooks, audio, video, at iba pa na makakatulong kahit sinuman sa pang-araw-araw na pamumuhay. Noong unang sumali ako, 300+ lang ang laman ng library. Pero ngayon, 2000+ na! Humingi ba ng mas malaki ang SWA? Hindi. One-time lang ang payment. Kung magkano dati, ganun pa rin ngayon.
Hindi mo tinataya ang lahat ng pera mo sa SWA. Hindi hinihingi ng SWA ang buong kayamanan mo. Tiyak na hindi ka mamumulubi kung sakaling tumigil ka sa SWA.
Bagaman ang PHP2500 na investment ay maituturing pa rin bilang isang risk, mas maganda kung ito ay makikita bilang "manageable risk". Ibig sabihin, kaakibat ng investment na ito ang isang pagkakataon na kumita, at tinatalikuran mo ang pagkakataon na ito kung hindi mo kukunin. Kung hihindian mo ang SWA dahil lang takot ka mawalan ng ilang libong piso, pareho lang iyon sa pagsabi na tinatalikuran mo ang oportunidad na kumita nang mas malaki. Walang ibang talo, kundi ikaw.
Kung ihahambing mo ang SWA sa iba pang uri ng investment tulad ng mutual funds, stocks, at trust funds, di hamak na mas malaking kapital ang iyong ilalabas at mas malaking risk ang iyong pinapasok. Kung balak mo naman mag-franchise ng food cart o kahit ano pa mang business diyan, higit-kumulang P30k to P50k ang kailangan mong ipondo.
Syempre, ang pag-invest ng PHP 50K ay abot-kaya pa rin naman kung isa kang OFW na Php200,000 kada buwan ang sweldo. Pero kung isa kang ordinaryong Pilipino na nagtatrabaho sa Pilipinas, kumikita ka lamang ng Php20,000 kada buwan at kung ikaw ay magfa-franchise, tiyak na ibubuwis mo ang savings mo noong nakaraang taon. Sa madaling sabi, "all-or-nothing" ang pinapasok mo.
Nakikita mo ba ang pagkakaiba?
Kung malaki ang sweldo mo, mas madali sa iyo ang magbuwis nang mas malaki kasi mababawi mo rin naman ang mawawala sa iyo sa susunod na mga buwan. Pero kung maliit lang ang suweldo mo, at tinatangka mo na kaagad ang malalaking negosyo, tiyak na mawawala sa iyo ang lahat kapag tumumba ang negosyo mo.
Pag-isipan mo uli ang mga scenario na ito, at ikumpara mo sa SWA na $55 o Php2,500 lang one-time, ang hinihingi. Kasing-halaga ito ng isang WordPress plugin na aking nais gamitin sa pag-aadvertise, subalit ako ay nagdadalawang-isip dahil hindi ko alam kung legit ito o hindi.
Sa SWA, nakikita mo ang iyong mga kaibigan, kapitbahay, kababayan, at kahit mga hindi mo kakilala ang sinusulit ang “autopilot” nature ng negosyo. Ituring mo na iyon bilang isa lamang sa dinami-rami ng mga katibayan kung gaano ka-epektibo ang SWA.
Sa SWA, hindi kulang ang mga proofs at legitimacy.
Upang mas maintindihan ang SWA, panoorin ang bagong video:
Ang inyong mga katanungan ay maaaring ipadala sa spaz_comingsoon@yahoo.com
No comments:
Post a Comment