Wednesday, 31 October 2012

Passive Income vs Active Income (Tagalog)


Para sa maraming ekonomista, ang income or suweldo ay ang pagpasok ng kapital o pera. Kung nakakatanggap ka ng pera sa iyong mga magulang, tiyuhin or lola, ikaw ay may suweldo. Kung ikaw ay sumasahod sa iyong trabaho, malamang ikaw ay may income. Kahit sa simpleng interest na kinikita ng pera mo sa bangko, ikaw pa rin ay may income.

Kaya naman maliit man o malaki, karamihan sa atin ay may income. Ganunpaman, mahalaga rin maintindihan kung ano ba ang pagkakaiba ng passive income sa active income.
Simulan muna natin sa active income.


Kumikita tayo ng active income kapag tayo ay may ginagawa o active. Halimbawa, ito ang ating kinikita kapag tayo ay nagtatrabaho, kapag tayo ay nakakabenta, at iba pa. Kaya naman masasabi na ang active income ay naka-base sa kung gaano tayo nagtatrabaho. Kung patuloy tayo magtatrabaho, patuloy tayo kikita ng active income. Kung titigil tayo sa pagtrabaho, titigil din ang ating active income. Naniniwala ako na marami sa atin ang may ganito, ngunit, mayroon din ba tayong passive income?




Kagaya ng nabanggit noong una, ang ikalawang klase ng income ay tinatawag na passive income. Sa maniwala kayo o sa hindi, ito ang income na kinikita natin kahit pa man wala tayong ginagawa. Halimbawa, kung ikaw ay isang tanyag na negosyante o tagapangasiwa, kahit tulog ka, kumikita ka pa rin. Tingnan mo ang kuwento ni Henry Sy. Hindi mo naman siya nakikita nagbebenta ng damit sa SM department store o tumatanggap ng mga deposit mo sa BDO. Datapwat, kumikita siya ng bilyones sa mga kumpanyang SM at BDO. Isa pang halimbawa ang mga taong bumili ng lupa 20 taon na ang nakakaraan. Alam mo ba na kapag binenta nila ang kanilang lupain ngayon, maaari silang kumita ng 5-10 beses na higit pa sa presyo noong binili nila ung lupa. Tumaas ang halaga ng lupa kahit pa man hindi nila inalagaan talaga ang lupa. Ang iba pa nga eh hindi na nga binisita ang mga lupain pagtapos bilhin. Ganunpaman, kumita pa rin sila ng passive income.
Bilang pagtatapos, para tunay na maging malaya sa aspetong pinansiyal, iiwan ko ang tanong – Talaga bang Passive Income laban sa Active income? Parang Pacquiao laban kay Bradley?




Sa totoo lang, nainiwala ako na dapat magkaroon ng pareho. Panatilihin ang active income dahil dito niyo kukunin ang inyong mga kapital para sa passive income. Subukan na kumita ng passive income habang maaga pa, dahil sa hinaharap, baka mawala na ang sigla at lakas na kumita ng active income.
Sa mga susunod kong mga blog, ipapakita ko ang mga paraan para kumita ng passive income.




- Ang Street Smart Investor (ang ilang mga punto ay hango sa aklat na “Investing in Stocks” na isinulat ni Louis De los Angeles)



Gusto mo pa matuto? Click mo ito. 

No comments:

Post a Comment