Sa una kong blog post tungkol sa risk sa SWA, ipinakita ko sa inyo ang kahalagahan ng pagbabayad ng PHP 2500. Una ito ang kapital ninyo, at pangalawa, ito ang pambili ninyo ng SUPREME WEALTH LIBRARY kung saan magagamit niyo ang mga e-resources kahit kailan.
Ngayon naman, para sagutin ang tanong na iyan, tatanungin ko muna kayo - "Kapag ginastos mo ang PHP1000 mo para sa isang damit, mawawala ba ang pera mo?"
Isipin mong mabuti, mayroon kang PHP 1000 ngayon sa kamay mo. Maraming kang pwedeng gawin dito. Una, pwede mo iwan lang sa wallet mo para gamitin kapag kailangan. Pwede rin ilagay sa savings account mo sa bangko. Kung kumiyansa ka sa market ngayon, pwede mo rin ipambili ng stocks, mutual funds o trust funds.
Pero dahil gusto mo maki-uso sa latest na suot nila Derek Ramsey o Anne Curtis, binili mo itong damit na nakita mo.
Tanong : Nawala ba ang pera mo?
Sa ngayon, sasagutin natin iyan ng isang malaking "OO. NAWALA ANG PERA MO."
Kitang-kita naman di ba? Wala na ang PHP1000 na pwede mo sanang ilagay sa wallet mo. Wala na ang PHP1000 na pwede mong ipunin sa savings account mo. Wala na ang PHP1000 na pwede mo sanang ipang-stocks. Ang PHP1000 na hawak mo ay naging damit na!
Ngayon naman, subukan natin sagutin ang tanong ng isang malaking "HINDI. HINDI NAWALA ANG PERA KO."
Bakit? Unang-una sa lahat, nakuha ko ang damit na gusto ko na naghahalagang PHP1000. Kahit pa man hindi ko na pwede gamitin ang damit na nabili ko at ilagay sa wallet ko, para sa akin, sulit pa rin ang PHP 1000 ko kaya hindi nawala. Hindi man pwede i-deposit ang damit sa isang savings account sa bangko, mayroon pa rin akong isang bagay na naghahalagang PHP1000, kaya walang nawala sa akin.
Nakukuha niyo na ba ang pinatutunguhan ko? Ang sagot sa katanungan na "Mawawala ba ang pera ko sa SWA" ay parehong oo at hindi.
"Oo" dahil ang pera mo ay magiging Supreme Wealth Library na, o ang produkto na binebenta ng SWA. Hindi mo ito pwede ilagay sa wallet mo. Hindi mo ito pwede i-deposit sa savings account mo.
"Hindi" dahil nakuha mo ang katumbas ng pera mo. Nakuha mo ang Supreme Wealth Library. Isang bagay na nagkakahalaga ng libo-libong dolyar kung isa-isa mong bibilihin, pero dahil sa SWA, nabili mo sa isang bagsakan na PHP2,500.
Pero ano ang pagkakaiba ng analohiya ko sa damit ag SWA?
Kapag ang damit ang binenta mo, wala na sa iyo ang damit. Naging pera na siya uli. Dagdag pa rito, kung nagamit mo na ang damit na nabili mo, malamang hindi mo na ito maibebenta sa halagang PHP1000. Wala nang bibili sa iyo. Bibili na lang sa iyo ang mga tao kapag binenta mo siya nang mas mababa sa PHP1000. Depreciation ang tawag dyan. Ikaw ang lugi.
Pero sa SWA?
Kapag naibenta mo ang Supreme Wealth Library, hindi ito mawawala sa iyo. Nasa iyo pa rin ang access mo sa Supreme Wealth Library. Bukod pa rito, kumita ka pa at depende sa galing mo, ng upline mo, at referrals mo, makukuha mo ang PHP2,500 o higit pa sa pinangbili mo.
Ayos di ba?
Kaya 'wag ka matakot kung iniisip mo na mawawalan ka ng pera sa SWA. Sa Supreme Wealth Library pa lang, bawing-bawi ka na sa ginastos mo. Eh paano pa kapag naka-benta ka? (:
Ang inyong mga katanungan ay maaaring ipadala sa spaz_comingsoon@yahoo.com
No comments:
Post a Comment